“Dapat irespeto ng Pangulong Arroyo ang araw ng kamatayan ng aking ama dahil nakaukit na ito sa kasaysayan ng ating bansa," ayon sa senador.
Base sa Proclamation No. 1463, inilipat ang selebrasyon ng Ninoy Aquino’s Day sa Agosto 18, sa halip na Agosto 21, na siyang araw nang barilin ito at patayin sa tarmac ng dating Manila International Airport noong 1983.
Dahil dito, ideneklara ng Palasyo na non-working holiday ang petsa ng Agosto 18.
Sinabi ng nakababatang Aquino na ito ang sentimyento ng lahat ng myembro ng kanyang pamilya kabilang si dating Pangulong Cory Aquino na mahigpit na kritiko ni Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon sa senador gugunitain ng kanyang pamilya ang kamatayan ng ama sa Agosto 21 sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng bayani na nakalibing sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque. - GMANews.TV
No comments:
Post a Comment